^

Dr. Love

Paano itatama ang pagkakamali?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang bigat po ng problema ko ngayon at kailangan ko po ang mahalaga ninyong payo. Wala pa akong sinabihan nito kundi kayo lang, Dr. Love. 

Nag-hire ng kasambahay ang asawa ko bago siya mag-abroad, para raw may mag-aasikaso sa amin ng mga bata habang wala siya. 

Pinag-aral namin ang dalagitang kasambahay para matulungan din ang kanyang pamilya balang araw.

Ang nangyari, dala ng pangungulila ko sa aking asawa at matinding bugso ng kapusukan na hindi ko napaglabanan, nakapagtaksil ako sa aking asawa. 

At umabot ito sa sukdulan dahil nabuntis ko ang aming kasambahay.

Habang maliit pa ang kanyang tiyan ay agad ko siyang pinauwi pabalik sa kanilang probinsiya. 

Binigyan ko siya ng malaking halaga para hindi na maghabol sa akin, pumayag naman siya.

Ngayon ay hindi ako pinatatahimik ng aking konsensiya, hindi pa alam ng misis ko na wala sa bahay ang kasambahay. 

Nakokonsensiya rin ako dahil magtatapos na sana ang dalagita sa kanyang pag-aaral, pero ngayon nadagdagan pa ang kanyang problema.

Alam ko po na maling mali ang nagawa ko, dapat ko bang aminin ang nangyari sa aking asawa?

Nangangamba ako sa gulong lilikhain nito na pwede ring ikawasak ng aming pamilya.

Ano po ang maipapayo ninyo?

Medy

Dear Medy,

Patung-patong na sakit ng ulo ang pinasok mo at kapag nagkataon baka hindi lang ang pamilya mo ang mawasak, kundi pati ang kinabukasan ng iyong mga anak. 

Dahil pwede kang makulong sa ginawa mo sa isang menor de edad na kasambahay. 

Iba pa ang kaso na maaaring isampa sa’yo ng misis mo dahil sa pakikipagrelasyon at pagbubuntis ng inyong kasambahay. 

Ang maipapayo ko ay manalangin ka ng taimtim, hingin ang tawad sa Diyos sa mala-king kasalanan na nagawa mo at ipagsumamo na ipagkaloob sa’yo ang gabay kung paano mo maitatama ang iyong mga pagkakamali, para makakawala ka sa sumbat ng budhi.

Walang lihim na hindi nabubunyag. Kung magtanong ang iyong asawa, pinakamabuti pa rin na ipagtapat mo sa kanya ang nangyari at buong pagpapakumbaba mong hingin ang kanyang tawad. Ipakita at ipadama mo sa kanya ang sobrang pagsisi mo sa iyong nagawa. Kung magalit siya, natural lang ‘yun. Magsikap ka na tuloy-tuloy na humingi ng tawad sa kanya sa bawat araw hanggang sa maipagkaloob niya na ito sa’yo. 

Hindi ito magiging madali, pero kung determinado ka na mapanatiling buo ang iyong pamilya, magagawa mo malampasan ang mga sirkumtansiyang kalakip ng nagawa mong pagkakamali. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with