^

Dr. Love

Na-in love sa palabating sikyo

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Cathelyn.  Nagustuhan ko ang bf ko dahil lagi ko siyang nakikita sa umaga at siya ang unang bumabati sa akin. Isa siyang sikyo at ako naman ay isang guro. 

Ayaw ng parents ko sa kanya dahil gwapo siya at palabati. Eh, ‘yun nga ang nagustuhan ko sa kanya. Nabubuo ang araw ko kapag nag-good morning na siya. Nakakahawa ang positive vibes niya. 

Baka naman daw mahilig sa babae ang bf ko at makuha lang daw ako sa boladas niya. Sa palagay ko, hindi naman. Nang manligaw siya sa akin, inamin niya na may dati siyang gf. Sinabi rin niya sa akin na hindi naman lahat ng pogi ay babaero. 

Medyo mataas ang pride ng girl at ng family niya. Humanap daw ng mas mayaman at may pinag-aralan.  Sinabi ko naman sa kanya, wala sa akin kung simpleng guard siya. Basta mahal niya ako. 

Sa madaling salita, nagustuhan niya ako dahil sa pagtanggap ko sa kanya. Hindi nga raw ako nami-mili ng tao. Marunong akong makibagay kahit kanino. 

Ngayon, mag-iisang taon na kami at balak na naming magpakasal. ‘Yun naman ang inaalala ng pa-rents ko. Kung paano namin mairaraos ang aming kasal.

Cathelyn

Dear Cathelyn, 

Ang ganda naman ng relationship ninyo. Masarap talaga makasama ang taong una, nai-inspire ka sa umaga palang. Mas gaganahan ka sa pagtuturo. 

Maganda rin at hindi hadlang sa inyo kung ano ang estado ninyo. 

Natural lang naman sa mga babae na tiyaking secured sila. Hindi naman sa pera lang ang security. Ang mahalaga, mahal ka ng taong mahal mo at tiyak na hinding hindi ka pababayaan. 

Malalaman mo naman ‘yun habang tumatagal ang inyong pagsasama. 

Hindi problema ang kasal. Kahit simple lang. Ang pinakamahalaga sa kasal ay ang mabasbasan at mabiyayaan kayo ng Maykapal. Sabihin mo sa parents mo ang sinabi ng bf mo, na hindi naman lahat ng pogi ay babaero. 

Best wishes in advance sa inyo!

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with