^

Dr. Love

Nagkunwaring mayaman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Minnie, nasa  junior high sa isang public school. Sa public school ako simula pa noong elementary dahil mahirap lang kami.

Tindera lang ng kwek-kwek at tokneneng ang nanay ko pero sunod ang luho ko sa kanya. Kahit sa public school, ang mga katropa ko ay anak ng mga mayayaman na family.

Dahil tropa ko sila, kasama nila ako na nanlalait sa mga kaklase namin na mahirap lang. Nag-e-enjoydin ako kasi akala nila rich kid din ako gaya nila.

Minsan, holiday noon at tinulungan ko sa pagtitinda si nanay.

May kaklase akong bumili at nagulat siya nang makita ako. Sabi ko, tinutulungan ko lang ang tita ko sa pagtitinda.

Nang marinig ito ni nanay ay agad akong kinagalitan at sinabi sa kaklase ko na anak niya ako at mahirap lang kami.

Kinabukasan, kalat na kalat na sa klase na mahirap lang ako at nagpapanggap lang pala na mayaman.

Ayaw ko nang pumasok sa school sa laki ng kahihiyan ko.

Pagpayuhan mo ako.

Minnie

Dear Minnie,

Pumasok ka at ipagmalaki mo ang nanay mo na nagpapakahirap para mabigyan ka ng magandang kinabukasan.

Hindi dapat ikahiya and pagiging mahirap, dahil isang karangalan ito ng tao lalo pa’t nagsusumikap na kumita sa marangal na paraan.

Kaya huwag kang mangmaliit ng mga mahihirap dahil kaparis mo rin sila. sa nangyari sa’yo, natutuhan mo na siguro ang pakiramdam ng mga kaklase ninyo na nilait ninyo.

Huwag mo na sanang ulitin ang manlait. Anong malay mo, balang araw ay baka kailanganin mo pa ang tulong nila.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with