^

Dr. Love

Makulit ang suitor

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Paano po kaya ang gagawin ko? Ilang beses ko nang binasted ang nanliligaw sa akin pero tuloy pa rin siya. Kinuntsaba ko na nga ang katropa ko na kunwari mag-bf kami pero hindi pa rin tumitigil. 

Bigay pa rin ng bigay ng flowers sa akin. Kahit nga sinabihan na siya ng tatay ko na tumigil na siya ng panliligaw. Mabait naman siya at may itsura rin, kaso wala talaga akong nararamdam sa kanya. 

Gusto ko rin mag-focus muna sa pag-aaral ko. Kakasimula pa lang ng klase, ayokong may gugulo sa akin. 

Paano ko kaya siya makukumbinsi na wala talaga siyang pag-asa? Ano po ang dapat kong gawin?

Len

Dear Len, 

Mas mainam kung kumausap ka ng isang taong malapit sa kanya para masabihan siya na tumigil na sa panliligaw. 

Mahirap din matatanggap ng isang taong na in-love na basted na siya. 

Minsan kapag pi-pigilan lalong nagiging agresibo. 

Subukan mong sabihan siya na magkaibigan lang muna kayo. 

‘Yun lang, aasa pa rin ‘yun. Try mo rin para masabi mo sa kanya ang totoo at matanggap niya ng matiwasay. 

Pwede rin na ipakilala mo siya sa mga katropa mong babae para maibaling ang atensyon niya sa iba. 

Kapag nasanay na lagi siya ang kasama ninyo, posibleng hindi na siya mangungulit  nang mangungulit. Maaari rin na maging magaan ang loob ninyo sa isa’t isa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with