^

Dr. Love

Inuuto o may gusto?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Dan Carlos. Paano po ba malalaman kung inuuto o talagang may gusto na sa akin ang babae? Kasi lagi na lang nagpapalibre sa akin. Kundi sa canteen, sa pamasahe. Pero gusto ko ‘yun kasi lagi kaming magkasama. Nung grade 11 ko pa siya crush. Mabuti at naging klasmeyts kami ngayong grade 12.

Pati nga ‘yung ibang mga klasmeyts ko napapansin kami, kaya tanong nila kung kami na.  Baka kasi umaasa ako sa wala. Mabait naman po siya sa akin at lagi ko siyang kabiruan. Feeling ko nga parang kami na.

Hindi naman siya nahihiya, pinagmamalaki pa nga niya ako sa mga katropa niya. Well, ayaw ko kasing ligawan siya ng seryoso baka biglang magbago ang pakikitungo niya sa akin.

Ok na ako na kasama siya kapag break namin at kakwentuhan.  Sana po mabigyan ninyo ako ng advice kung liligawan ko na ba siya o huwag muna.

Dan Carlos

Dear Dan Carlos,

Huwag mo namang biglain si girl. Baka magulantang ka rin kapag sinabi niyang friends lang kayo. Tuloy mo lang maganda ninyong samahan. Huwag ka magmadali baka kinikilala ka pa niya ng mabuti.

Marami pang panahon, kaya chill lang. Mainam na huwag mo munang i-focus ang lahat ng atensyon mo sa kanya. Mag-aral ka ng mabuti, saka na muna iyong panliligaw. Sa tamang panahon kung kayo talaga ay magiging kayo.

Dapat open ka sa kanya, sabihin mo na ikaw naman ang ilibre niya.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with