^

Dr. Love

Malikot ang kamay

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Tawagin mo na lang akong Mrs. Desperada. Malakin ang problema ko ang aking asawa na wala na ngang trabaho ay ninanakaw pa ang nasusubi kong pera sa aking trabaho bilang online seller.

Hindi siya dating ganon. May maganda siyang trabaho bilang rider na taga-deliver ng mga paninda ko. 

Pero naaksidente siya sa motorcycle at mula noon, hindi na naging normal ang takbo ng isip.

Nasa bahay na lang siya at mistula siyang autistic sa ikinikilos niya. Madalas, kapag binibilang ko ang kita namin ay kulang ng sampung libo. 

Naaktuhan ko siya minsan, kaya nalaman kong siya ang nagnanakaw.

Ano dapat kong gawin?

Mrs. Desperada

Dear Mrs. Desperada,

Ingatan mo na lang ang pera ninyo. Abnormal na ang asawa mo dahil sa sinapit niyang sakuna. Ni hindi mo alam kung saan niya dinadala ang pera. 

Gaano na ba katagal nang mangyari ang aksidente? Baka naman pansamantalang kondisyon lang iyan at magiging normal pa siya, sana naman.

Kailangan ng mister mo ang pang-unawa dahil hindi na niya nalalaman ang kanyang ginagawa. Dalangin kong maging normal muli ang isip niya upang makatuwang mong muli sa paghahanap-buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with