^

Dr. Love

Dinaya ang edad

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Katorse anyos pa lang ako ay ipinakasal ako ng aking ama sa anak ng kanyang kum-pare.

Best friend kasi ito ng ama ko at maliit pa ako ay nagkasundo na sila na ipakakasal ako sa anak ng kumpare niya.

Malaki kasi ang bulas ko kaya madaling nadaya ang aking edad at nakakuha ako ng birth certificate na 20 anyos.

Labag sa kalooban ko na maikasal sa la-laking hindi ko gusto at matapos ang pitong taong pagsasama namin, gusto ko siyang hiwalayan.

Mabuti na lang at wala kaming anak.

Nalaman ko kasi na sa ilalim ng batas, bawal ikasal ang minor de edad kahit pa may consent ng magulang.

Puwede po bang ipa-annul ang aming kasal on the ground na pineke ang aking edad?

Flocerfida

 

Dear Flocerfida,

Hindi ako abogado pero ang ano mang discrepancy na nakapaloob sa kasal ay puwedeng dahilan para pawalan ito ng bisa. Kung peke ang edad mo sa birth certificate, wala ring bisa ang kasal.

Sa kaso mo, pinilit ka lang ng magulang mo na magpakasal kahit ayaw mo nang ikaw ay katorse pa lang at wala pa sa legal na edad.

Sa palagay ko, sa simula pa lang ay wala nang bisa ang kasal ninyo dahil may kasamang pandaraya sa tunay mong edad.

Mas mabuti kung sumangguni ka sa abogado na higit na may nalalaman.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with