^

Dr. Love

Tutol ang ina sa gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Francis. Isa akong architect, inaway ako ng mother ko dahil ayaw niya sa gf ko. Sa fb ko lang daw nakilala at pumatol naman daw ako. Hindi naman talaga ako mahilig manligaw. Nagkataong nakilala ko ang gf ko dahil sa boss niya na kaibigan ko. Totoo sa fb kami unang ng chat pero hindi naman siya na-search ko lang.

Actually hindi ko alam kung sino ang susundin ko. Dahil pareho ko silang mahal. Alam kong sandali lang kami nagkakilala ng gf ko, pero hindi naman siya kung sino lang.

Napakakitid ng utak ni mama kasi akala niya isang bayaran lang ang gf ko. Samantalang maayos naman ang trabaho niya. ‘Yung lang, nalaman niya na sa OTB karekahan siya nagka-cashier. Panay lalaki kasi dun sa pwesto nila. Kaya nang napadaan kami minsan sa lugar ng pinatatrabahuhan niya, na-shock si mama bakit daw dun nagwo-work ang gf ko.

Simula nun panay ang banggit niyang hiwalayan ko ang gf ko. Dahil wala naman daw siyang maidudulot na mabuti sa akin. Isa akong professional at bakit kailangan kong makisalamuha sa mga ganong uri ng babae.

Nag-try akong magpaliwanag pero ayaw makinig ni mama. Gusto kong magtagal ang aming relationship pero nahihirapan ako dahil hindi siya tanggap ni mama.

Francis

Dear Francis,

Dapat naman hindi na masyadong nanghihimasok ang mother mo sa relationship ninyo. Una, you are professional and matured enough to decide para sa sarili mo. In fairness sa mother mo, malamang nag-aalala lamang siya sa kung ano ang magiging takbo ng buhay mo with the girl. Hindi naman dahil nagwo-work siya sa mas mababang antas ng hanapbuhay ay dapat natin siyang maliitin.

Kung mahal mo talaga ang gf mo, just continue your relationship but try not to be rude to your mother. Tuloy mo lang ang respeto at pagtanaw ng utang na loob sa kanya.

Kung gusto mo na maging stable ang relationship ninyo, ayain mong magpakasal ang gf mo, kung payag siya at para sa ganun kahit tutol ang mama mo ay wala na siyang magagawa. But uulitin ko, huwag mong pababayaan ang mama mo kahit magkasama na kayo ng gf mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with