^

Dr. Love

Ayaw tanggapin ng magulang

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isinilang ako sa karangyaan. Mayaman ang aking mga magulang. Ang father ko ay CEO ng sarili niyang kompanya na pinagtulungan nilang itayo ng mother ko kahit nang sila ay magkasintahan pa lang.

Dalawa kaming magkapatid at halata ko na paborito nila si kuya.

Third year college pa lang ako nang maki-pagtanan ako sa aking girlfriend at parehong nagalit sa akin ang parents ko.

Hindi kami tinanggap ng akin asawa, kaya nagsikap akong magpundar ng negosyo.

Sa umpisa ay piyesa lamang ng mga motorbike ang ibinibenta ko and after 4 years ay naging motorcycle dealer ako.

Hindi man ako ‘sing yaman ng parents ko, may kaya na ako ngayon sa buhay.

May sariling bahay at kotse.

Akala ko matatanggap na ako ng parents ko pero nang puntahan  namin sila ng misis ko ay tahasan kaming sinabihang kailan man ay hindi na nila kami mapapatawad.

Mabigat sa loob ko na bigo akong makuha ang kanilang bendisyon.

Ano ang dapat kong gawin para mapatawad nila?

Nico

 

Dear Nico,

Ang magagawa mo ang ay maghintay.  Nasaktan ang pride ng parents mo lalo na nang patunayan mong kaya mong umasenso kahit wala sila.

Pero naniniwala akong maglulubag din ang kanilang damdamin at darating ang araw na patatawarin ka nila.

Mag-focus ka sa iyong pamilya at sa obligasyon mong bigyan sila ng magandang buhay.

Sa harap ng Diyos, ginawa mo na ang iyong tungkulin para hingin ang tawad ng mga magulang mo na hindi nila ibinigay.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with