^

Dr. Love

Nabuhayan ng loob kay Joel

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Shedie. Matagal din kami ng bf ko. After 8 years, naghiwalay pa kami. Hindi ko inaasahan na maghahanap pa siya ng iba.  Two months pa lang niyaya ako ng mga bff ko na um-attend ng party.

Doon nakilala ko si Joel.  Mukha namang mabait siya. Ewan ko, biglang nabuhayan ako ng loob at magaan siyang kausap. Gusto na nga niya akong akbayan.

Nakalimutan ko tuloy na broken hearted ako.  Masayang kausap si Joel at pala biro. Parang matagal na kaming magkakilala. Ok rin naman siya sa mga bff ko.

Legit na walang bisyo at may trabaho. Nag-aalangan ako dahil baka umasa na naman ko at mapunta sa wala.

Ayoko nang magtagal din kami at wala ring mapala.

Ang tipo na hanap ni Joel ay ‘yung magpapakasal na. Nababasa ko sa mga nababangit niya sa akin. Bagay na hindi ko pa naiisip o binabalak.

Hindi ko alam kung sasagutin ko siya,baka sabihin naman ng iba ang bilis kong magpalit ng bf.

Shedie

Dear Shedie,

Totoo naman talaga na mahirap mag-move on. Hindi biro ang eight years.

Ngayon kung may manliligaw sa iyo, huwag mong pangunahan ng takot ang pakikitungo mo sa kanya.

Sige lang, makipagkilala ka at busisiin mong mabuti ang ugali niya.

Kung masaya ka kay Joel, enjoy lang. Huwag mong ikukumpara sa ex mo ang magiging bf mo.

Syempre paminsan minsan makikita mo ang pagkakaiba nila o pagkakapareho ng ugali.

Hindi ibig sabihin na nagawa ng ex mong lokohin ka eh, gagawin din ng bago mong bf ang ginawa niya. Tandaan mo na magkaibang tao sila.

Hangad ko na makilala mo na talaga ang lalaking para sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

SHEDIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with