Hiwalay pero nasa isip pa rin
Dear Dr. Love,
Tawagin ninyo na lamang akong Boying. Naghahalo ngayon ang emosyon ko. Alam ko namang hindi na kami magkakabalikan ng misis ko dahil iniwan na niya ako rito sa Maynila, heto at gumugulo pa rin siya at ang anak ko sa kanya sa isip ko. Nasa Mindanao na silang mag-ina.
Masaya ako dahil magkakaanak na akong muli sa bagong kinakasama ko. Pero may panghihinayang pa rin ako sa nauna kong asawa.
Hindi ko naman pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Dahil hindi na kami magkasundo bago pa siya umuwi ng Mindanao. Simple lang naman ang problema ko pero may duda akong magiging kumplikado.
Mabait at maasikaso ang bago kong kinakasama. Hindi naman kami kasal ng una kong misis. Pero may isa akong anak sa kanya. Hindi pa rin naman nagpaparamdam, parang wala ng dahilan para hanapin pa nila ako.
‘Yun lang naman. Gusto ko na kasing seryosohin ang pangalawang misis ko, dahil sa magiging baby namin. Ayaw ko na hiwalayan ako ng pangalawang misis ko. Kaso ang gumugulo sa isip ko ay ang una kong anak. Gusto ko rin siyang makita at mabigyan ng atensyon kung posible lang naman.
Boying
Dear Boying,
Alalahanin mo na sa bawat ginagawa natin ay mayroon pananagutan sa legal na batas at bilang tao. Maaaring hindi mo pa nararamdaman sa ngayon pero kapag lumalaki na ang unang anak mo sa unang misis mo, may obligasyon ka sa kanya kahit hindi kayo kasal.
At kahit ayaw mo siyang tanggapin, anak mo pa rin siya. Sa birth certificate ng bata, ikaw ba ang nakalagay na tatay?
‘Yun lang, tala-gang kasama ng nanay ang bata hanggang sa kanyang paglaki.
Pabor sa iyo kung ayaw na ng una mong misis na umasa sa’yo. Depende pa rin sa iyo kung gusto mong tumulong sa gastusin ng una mong anak. Maaari ka ring hu-mingi na payong legal para mawala ang agam-agam mo.
Sana ay maging aral na sa iyo ang iyong nakaraan.
DR. LOVE
- Latest