Dalagita ang admirer
Dear Dr. Love,
Parang katulad ng tema ng isang awitin ang istorya ko. Tawagin mo na lang akong Jim 30-anyos, binata pa. Sa tabi ng apartment na tinitirhan ko six years ago, kasama ang mga magulang ko at kapatid, dun nakatira si Jenny, isang magandang dalagita na 14-years old lang.
Hindi ko akalain na may crush pala sa akin ang dalagitang ito.
Kaya pala kapag nagdidilig ako ng halaman ay lagi siyang nakatayo sa pintuan at nakangi-ting nakatitig sa akin.
Minsan, kinausap niya ako at sinabing, “sana Kuya Jim, ligawan mo ako ‘pag dalaga na ako.”
Pinamulahan din ako ng pisngi pero sabi ko, “pagdating ng araw na iyon ay gurang na ako.”
“Basta I will wait for you,” sabi niya. Hu-malakhak na lang ako at itinuring na biro ang sinabi niya.
Ngayon ay nakapag-migrate na ako sa Amerika at wala pa ring asawa. Pero parang naririnig ko ang boses ni Jenny nang sabihin niya na hihintayin ako. Matagal na kaming walang komunikasyon at hindi ko mahanap sa social media ang pangalan niya.
Kabaliwan ba kung balikan ko siya?
Jimmy
Dear Jimmy,
Puwede mong subukan at walang masama. Baka sakaling totoo ang sinabi niyang maghihintay siya sa’yo.
Pero papaano kung taken na siya by this time at aawitan ka niya ng, “Jimmy, Jimmy please don’t cry, you’ll forget me by and by,” kasi nag-asawa na pala?
Pero ikaw ang magdesisyon, but be prepared for any possible circumstances.
Dr. Love
- Latest