^

Dr. Love

Nawiwili sa bahay ng bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong senior high school student. Hindi ko po maintindihan kung bakit lagi akong sinasabihan ng aking parents na huwag sasama sa bf ko na mag-stay sa bahay nila. Minsan lang naman akong hindi nakapagpaalam, pinagbawalan na nila ako.

Wala naman po kaming ginagawang mali. Gusto ko lang kasi na makilala rin ang parents ng bf ko at makapalagayan ng loob.

Ginagalang po ang kanilang angkan sa kanilang lugar. Kagawad po ang kanyang tatay. Kaya kumportable po akong maglagi sa kanila.

Minsan gumagawa kami ng assignment sa kanila, doon may internet pero sa bahay po namin wala. Bukod sa madilim, makalat pa. Hindi ako maka-focus sa paggawa ng assignments ko o kaya ng report namin sa school.

Alam ko naman po ang limitasyon ko. Kaso lagi nila akong pinagbabawalan. Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko. At may tiwala naman ako sa bf ko.

Saka nandoon naman lagi ang mama niya.  Very supportive nga po sa amin. Kapag nandun ako sa kanila, alagang-alaga ako. Lagi niya kaming inaasikaso. Minsan pinagluluto pa kami ng pagkain habang nag-aaral kami.

Sorry po, hindi naman sa galit ako sa parents ko. Kaso parang wala silang tiwala na hindi ako magloloko sa pag-aaral kahit may bf ako.

Sa katunayan nasa top ten kami ng bf ko sa klase namin. Ako ang top 3 at siya naman ay nasa top 6. Ano po ba ang magandang gawin ko, ayaw kasing tumigil ang nanay ko sa kakasermon.  Minsan nakakairita na rin.

Soffee

Dear Soffee,

Siyempre kaming mga magulang laging nag-aalala sa kaligtasan ninyo. Lalo ka na, babae ka. Kapag ‘dis oras na ng gabi, eh dapat nasa bahay na kayo.

Noong panahon namin, kapag sumapit ang alas sais ng hapon, dapat nasa bahay na kaming lahat kundi palo kami sa puwet. Mas mahigpit noong panahon namin. Lalo na ang babae, bawal na bawal pumunta sa bahay ng lalaki. Hindi maganda ang tingin ng mga tao kapag ang babae ay bumibisita sa bahay ng lalaki. Ngayon ko mas naintindihan dahil magulang na rin ako na nag-aalala lalo na sa aking mga dalagang anak. Wala namang masama kapag pumupunta ka sa bahay ng bf mo, basta huwag lang madalas at dapat nagpapaalam ka.

Sa panahon nga-yon, mahirap mapanatag ang kalooban ng magulang hangga’t hindi nakakauwi ng bahay ang kanilang anak. Nagkalat pa naman ang nangunguha ng mga kabataan.

Dr. Love

SENIOR HIGH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with