^

Dr. Love

Dalawang lalaki, isang babae

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Marahil, pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng dalawang babaeng partner ng isang lalaki na nasa isang tahanan. Kakaiba po ang karanasan ko.

Dalawa kaming lalaki na nakatira sa bahay ng isang mayamang biyuda bilang kanyang mga asawa.

Pareho kaming dance instructors ng kaibigan ko na nagustuhan ng matandang biyuda na ang edad ay 67-anyos.

Isang malaking kama ang aming tinutulugan at ang biyuda ay nasa gitna namin. Pareho kaming napapayag na maging partner ng biyudang ito bunga ng matinding panga-ngailangan.

Napakayaman ng babaeng ito na ibinibigay ang lahat ng aming kailangan.

Pero habang nagtatagal, nandidiri na ako sa ginagawa namin.

Gusto ko nang humiwalay sa triple partnership namin.

Pero nagmama-kaawa ang biyuda at sinabing pareho niya kaming mahal ng friend ko.

Ano ang dapat kong gawin?

Merk

 

Dear Merk,

Kakatwa ang gusto ng biyudang iyan at tingin ko, ito’y isang abnormalidad ng kaisipan.

Dapat huwag ka nang magdalawang-isip.

Kung maaari ay kumbinsihin mo ang kaibigan mo na hiwalayan na rin ang matanda.

Kung kinikita lang ang pinoproblema ninyo, malaki naman ang income ng isang nagtuturo ng sayaw.

Doon na lang kayo sa halip na gumawa ng bagay na hindi ika-lulugod ng Diyos.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with