^

Dr. Love

Mensahe ng nagmamahal

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Isa po ako sa mga tahimik na tagasubaybay ninyo, at ngayon ay naisip kong ibahagi ang aking kwento. Hindi para humingi ng payo, kundi para ipahayag ang isang bagay na matagal ko nang gustong isigaw sa mundo… ang pagiging proud ko sa aking girlfriend.

Katatapos lang po ng graduation ng girlfriend ko. Sa gitna ng lahat ng pagsubok, kakapusan, at pagod...nakapagtapos siya. 

Nasaksihan ko kung paano siya halos mawalan ng gana, kung paano siya lumaban kahit pagod na, at kung paanong kahit kami ay dumaan sa matitinding pagsubok bilang magkasintahan, hindi siya sumuko sa kanyang pangarap.

Minsan po, gusto ko sanang ako ang sumalo sa lahat ng bigat na pasan niya, pero alam ko rin na may mga laban siyang, siya lang ang makakalaban. 

Kaya tahimik lang akong sumusuporta sa mga gabi ng iyakan, sa mga araw ng pagod, at sa bawat sandaling gusto na niyang sumuko.

Ngayon, habang tinitingnan ko siyang naka-toga, may hawak na diploma, at ngiting tagumpay...parang ako na rin ang nanalo. 

Dahil ang taong mahal ko ay patuloy na lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit mas naniniwala ako ngayon sa tiyaga, sa panalangin, at sa pag-ibig.

Kaya nais ko lang po iparating sa kanya, sa tulong ninyo, Dr. Love, ang mensaheng ito... “Mahal, proud na proud ako sa’yo. 

Hindi lang dahil graduate ka na, kundi dahil pinatunayan mong walang imposible sa taong may pangarap at pananampalataya. 

Salamat sa pagpili mong lumaban araw-araw. Salamat sa pagpili mo pa ring mahalin ako sa gitna ng hirap. 

Mahal na mahal kita.”

Raymond

Dear Raymond,

Ang pagmamahal mo ay hindi lang suporta. Isa itong sakripisyo, pananalig, at pananatili. 

Kung kaya mong mahalin siya sa panahon ng hirap, lalo mong mapapa-ngalagaan siya sa panahon ng tagumpay. 

Patuloy mong piliin siya, hindi dahil may na-achieved siya, kundi dahil totoo ang pagmamahal mo. 

At sa kanya, sana’y mapansin niyang ang pinakamalaking biyaya sa kanyang pagtatapos ay ang lalaking hindi bumitaw para sa kanya.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with