^

Dr. Love

Nawawala sa sarili

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malugod po akong bumabati at nagpupugay sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Lando, 32 anyos.

Ang problema ko po ay ang aking asawa na simula nang mamatay ang aming panganay na anak ay may mga sandaling natutulala at nawawala sa sarili.

Akala ko, pansamantala lang ang ganoong kalagayan niya. Ngunit limang taon nang namatay ang aming anak na dapat sana’y pitong taon na ngayon.

Kapag natutulala siya, hindi siya makausap at nagtatagal ito ng maghapon.

Kung minsan ay naiisip kong hiwalayan na siya. Nahihirapan po kasi ako sa ganoong kalagayan niya.

Ano ang dapat kong gawin?

Lando

 

Dear Lando,

Huwag mo siyang hiwalayan. Dapat ay magsama kayo sa hirap at ginhawa. Iyan ay pareho ninyong sinumpaan ng kayo ay magkaisang-dibdib. Bagamat puwedeng gawing ground ang insanity sa tinatawag na marital annulment, sa tingin ko’y hindi mo dapat pabayaang nag-iisa ang misis mo sa kalagayan niya ngayon na baka mayroon pa namang solusyon.

Hindi niya kasalanan kung magkaganyan siya at ito’y dapat mong unawain. Dapat mo rin siyang damayan sa kanyang pagdadalamhati.

Isangguni mo siya sa psychiatrist para mahanapan ng lunas ang kanyang depresyon. Kung hindi, baka lalong lumubha ang kanyang kalagayan.

Dr. Love

DEAR DR LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with