^

Dr. Love

Iniwanan ng misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pagbati ng isang masaganang buhay sa iyo, Dr. Love. Harinawang sa pagtanggap mo ng aba kong sulat ay nasa mabuti kang kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Roman, 47-anyos at isang single father ng dalawang anak. Ang isa ay dalawang taong gulang at ang pangalawa ay pitong taong gulang na.

Kasal ako sa asawa ko pero tatlong taon na kaming hiwalay ngayon. Sumama siya sa ibang lalaki at iniwanan kaming mag-aama.

Pangalawang asawa ko na siya. Ang una ay namatay five years ago sa sakit na cancer. Kaya nag-asawa ako ng mas nakababata sa akin ng labing-dalawang taon.

Ang mga anak ko ay inaalagaan ng aming katulong na si Erly, na siyang nagsisilbing ina ng aking mga anak. Napamahal siya sa akin dahil totoo ang malasakit niya sa aking pamilya.

Si Erly ay 37-anyos at isang biyuda. Niligawan ko siya at nagkarelasyon kami. Pero bilang isang naniniwala sa biblia, parang nag-aalangan ako sa aming relasyon dahil buhay pa ang asawa ko bagama’t hiwalay kami. Ano ang dapat kong gawin?

Roman

 

Dear Roman,

Ang tanging magagawa mo ay ipa-annul ang iyong kasal sa nagtaksil mong asawa. May mabigat na ground para gawin mo ito dahil nagtaksil siya sa iyo.

Tapos, kapag nagkaroon na ng annulment, pwede mo nang pakasalan si Erly para maging legal ang inyong pagsasama.

Tungkol sa pagpapa-annul ng kasal, kumunsulta ka sa isang abogado.

Dr. Love

ANG

ANO

DEAR ROMAN

DR. LOVE

ERLY

HARINAWANG

KASAL

KAYA

NAPAMAHAL

NILIGAWAN

SI ERLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with