^

Dr. Love

Tama ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta, Dr. Love? Sana’y paunlakan mo ang sulat kong ito na naghahanap ng solusyon sa isang matinding problema sa pag-ibig.

Tawagin mo nalang akong Romy, elevator boy na nagtatrabaho sa isang kilalang mall sa Maynila. Ako ay 40-anyos na pero binata pa. Sa mall na ito ay nakilala ko si Jen, 30-anyos at isang saleslady.

Naging magkaibigan kami at sa tuwing nagkakasabay kami ng uwi ay kumakain kami sa labas. Minsan ako taya, minsan ay siya.

Hiwalay siya sa asawa pero hindi annulled ang kasal. Dalawang taon na silang hiwalay pero walang anak. Ang dahilan daw ay natuklasan niyang bakla ang kanyang asawa. May kinakasama na raw na isang lalaki ang kanyang asawa at wala nang pakialam, ano man ang gawin niya. Nagkagustuhan kami ni Jenny. Tama ba ang ganitong relasyon? Forty years old na ako at gusto ko ring magkaanak. Pagpayuhan mo ako.

Romy

Dear Romy,

Mayroong moral at legal issue sa problema mo. Hindi pa annulled ang kasal ng girlfriend mo sa asawa niya at kung magsasasama kayo ay wala sa ayos.

Dapat ma-settle muna ang legal issue sa pamamagitan ng annulment.

Isang moral issue iyan na hindi ko sasang-ayunan kung ako ang tatanungin mo.

Eh ‘di mag-ampon na lang kayo?

Kaya iyan muna ang ayusin ninyong dalawa.

Dr. Love

vuukle comment

ANG

DALAWANG

DAPAT

DEAR ROMY

DR. LOVE

HIWALAY

ISANG

KAYA

KUMUSTA

ROMY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with