Minalas nang lumipat ng tahanan
Dear Dr. Love,
Dalawang taon na kaming kasal ng asawa ko. Dati wala kaming problema nang kami ay nakatira pa sa bahay ng parents ng mister ko.
Kahit hindi kalakihan ang sahod ng asawa ko, nakararaos kami at nabibili ang ano mang gustuhin namin.
Nang ma-promote ang asawa ko at lumaki ang sahod, nagpasya kaming lumipat sa isang apartment at bumili ng installment na kotse ang asawa ko. Feeling ko ay napaka-blessed namin.
Ngunit makalipas pa ang isang taon, bumaba ang sales ng kompanya na pinag-lilingkuran ng asawa ko at nabawasan ang bonus at benefits na tinatanggap niya.
Madalas ma-delay ang amortization namin sa bahay at kotse hanggang ma-repossess ang kotse namin. Marami pa kaming ibang mamaha-ling gamit na hindi namin nahulugan sa tamang oras.
Natatakot ako na baka ang susunod na mareremata ay ang bahay namin.
Balak ko na ipa-feng shui ang bahay namin para mawala ang malas. Ano po ang payo ninyo sa akin?
Rolita
Dear Rolita,
Nagsimula ang sinasabi mong kamalasan nang bumili kayo ng bahay at kotse na hulugan.
Hindi n’yo muna inestima ng asawa mo kung makakayanan ninyo ang pagbabayad ng amortization.
Kaya nang magka-aberya sa kinikita ng opisina, hindi kayo magkandaugaga sa laki ng problema.
Nang kayo ay nakapisan pa sa magulang ng mister mo, maluwag ang kabuhayan dahil wala kayong iniintindi.
Kung plain housewife ka ngayon, maghanap ka ng trabaho para matulu-ngan ang asawa mo at pag-isipan mabuti ang mga bagay na dapat pagkagastusan.
Hindi Feng Shui ang kailangan kundi wise fiscal management.
Dr. Love
- Latest