^

Dr. Love

Sino sa dalawa?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay malugod muna akong bumabati sa iyo at sa mga tagasubaybay ng malaganap mong column.

Tawagin mo na lang po akong Cheche, 20-anyos at graduating sa kursong IT.  Sana ay matulungan mo ako sa problema ko tungkol sa dalawa kong boyfriends. Ang isang boyfriend ko ay kaklase ko sa university at ‘yung isa ay kapitbahay namin kaya hindi sila nagkakabistuhan.

Ang isa kong boyfriend (tawagin mo na lang Tony) ay mahal na mahal ako pero hindi ko masyadong mahal. Parang attracted lang ako sa kanya dahil matalino. Very caring siya at maasikaso sa akin.

Ang pangalawa kong boyfriend na si Dom ay hindi kasing-caring ni Tony pero mas mahal ko. Kasi naman ay sabay kaming lumaki sa aming neighborhood at magkaklase hanggang high school. Nagkahiwalay lang kami noong mag-college ako.

Alam kong isa lang ang dapat kong piliin sa kanila pero hirap akong magdesiyon. Pipiliin ko ba ‘yung nagmamahal sa akin nang totoo kahit ‘di ko masyadong mahal o ‘yung hindi demonstrative sa kanyang pagmamahal sa akin pero mahal na mahal ko?

Ano ang gagawin ko?

Cheche

Dear Cheche

Tiyakin mo kung accurate ang sinasabi mo na ‘yung boyfriend mong kapitbahay mo ay hindi ka masyadong mahal. Baka less demonstrative lang siya lalo pa’t mula pagkabata ay magkasama na kayo.

‘Yung isa, sabi mo ay caring. Natural ‘yon kung minsan lalo pa’t sa college lang kayo nagkakilala.

Pero bakit nagkaroon ka ng dalawang boyfriends? Namamangka ka niyan sa dalawang ilog.

Anyway, pag-aralan mo muna ang ugali nila para malaman mo kung sino ang tunay na nagmamahal sa iyo. Hindi nakikita iyan sa pagiging demonstrative. Kung minsan, ang pagpapakita ng labis na pagmamahal ay puwedeng pakitang tao lamang.

Para sa akin, ‘yung kapitbahay mo na matagal mo nang kakilala ang malamang na mas nagmamahal sa iyo dahil sa tagal ng inyong pinagsamahan mula pa sa pagkabata.

Dr. Love

ALAM

ANO

CHECHE

DEAR CHECHE

DR. LOVE

LANG

MAHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with