^

Dr. Love

Kahit naghahabol, na-turn off pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Isa akong certified na old bachelor at dahil sa pagiging pihikan ko ang mga nagkakagusto sa akin ay nagsawa na sa paghihintay.

Sa edad kong 55, halos lahat ng mga kaibigan at mga kamag-anak ko ay inuudyukan na akong humanap ng makakasama sa buhay bago ako tuluyang mahuli sa “byahe.”

Naging dahilan ito para seryosohin ko ang ika nga ay paniningalang pugad at nakilala ko si Celia, 45-anyos at nagha­hanap na rin ng makakasama sa buhay. Isa siyang high school teacher, 5’2, maputi ang kutis at maamo ang mga mata.

Naging mabuti kaming magkaibigan at kung minsan ay lumalabas na rin. Wala kaming dull moments na matatawag, nga lang ang naobserbahan ko sa kanya kapag magkausap kami sa telepono o cellphone ay masyado siyang madaldal, na halos ayaw na niya ako pagsalitain. Nate-turn-off po ako sa ugali niyang ito. Pero hindi ko masabi dahil baka ika-offend niya.

Sa palagay n’yo po ba mababago pa ang ganitong ugali ni Celia o ako lang ang siyang may diperensiya kung likas naman ang katangiang ito sa mga babae? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat.

Gumagalang,

Melquiades

Dear Melquiades,

Sa palagay ko ay bagu-bago pa lang kayong magkakilala ni Celia kaya mas­yado pang maaga para ma-turn off ka sa kanya. Anong malay mo ay paraan niya lang ang pagiging madaldal para laging maka-connect sa iyo. Bigyan mo pa ng kaunti pang panahon ang inyong pagmama­butihan para wala kang pagsisihan sakaling magdesisyon ka na siya na o hindi.

DR. LOVE

ANONG

BIGYAN

CELIA

DEAR MELQUIADES

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISA

MARAMING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with