^

Dr. Love

Namihasa sa hingi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagsimula pong naging kalbaryo ang buhay ko mula nang mamatay ang aking asawa. Mas­yado po kasing naging matitigas ang ulo ng apat naming mga anak na lalaki at lumaking suwail.

Dati po ay maginhawa ang aming buhay. Sunod sa luho ang aming mga anak ni Rafael kung kaya kahit pag-aaral ay kinatatamaran na. Marahil akala nila, laging sagana ang buhay. Kaya kahit nagsipag-asawa na ang dalawa sa kanila ay sige pa rin ang pagdepende nila sa akin sa pera.

Hindi po ako nababahala noon dahil takot sila sa kanilang ama. Pero ngayon na wala na si Rafael at solo ko nang binabalikat ang lahat, lumala ang kanilang bisyo na pagsusugal at paglalasing.

Madalas sa akin nila iniiwan ang tig-dalawa nilang mga anak kapag nagha-happy-happy sila. Nahihiya na po ako sa aking mga balae, Dr. Love dahil ang asawa ng dalawa kong anak ang siyang kumakayod. Ayaw po kasing magtrabaho ng aking mga anak, nasanay sa paghingi.

May tig-isang lote ang mga may asawa ko nang mga anak. Pero naging normal na sa aming bahay pa rin sila nakatambay at karaniwang senaryo ay sila-silang magkakapatid ang nag-iinuman at nagbabaraha.

Ang dalawa ko pang mga anak na binata pa ay may konsensiya. Hindi sila nanghihingi kapag alam nilang kapos ako sa pera at naghihintay lamang ng pensiyon ng aking asawa.

Ano po kaya ang mabuti kong gawin para maging responsable ang apat kong   mga anak?

Alam kong nagkamali kaming mag-asawa sa paghubog ng kanilang mga ugali.
Sana po, matulungan ninyo ako.

Gumagalang,     

Erlinda

Dear Erlinda,

Turuan mo ang iyong sarli na tiisin ang iyong mga anak sa tuwing humihingi sila para sa kanilang pangangailangan. Alam ko na hindi ito magiging madali sa umpisa dahil nakasanayan na nga. Pero kung magiging consistent ka, unti-unti ay makikita mo ang mabuting epekto nito sa iyong mga anak.

Dahil mapipilitan silang maghanap ng paraan para matugunan ang kanilang pangangailangan. Lagi mo rin silang ipagdasal, na maging matatag ang kanilang mga asawa hanggang sa ganap na magbago ang iyong mga anak.

DR. LOVE

 

ALAM

ANAK

ASAWA

DEAR ERLINDA

DR. LOVE

PERO

RAFAEL

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with