^

Dr. Love

Juan Batugan

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa iyo at dalangin ‘kong masaya ka at walang problema sa pagtanggap mo ng aking sulat.

Ako nga pala si Josie, (di tunay na pa­ngalan) 37 anyos at tinatawag na “dakilang asawa” ng aking mga kaibigan.

Bakit hindi ko raw hiwalayan na ang aking asawa na iresponsable at ayaw humanap ng trabaho.

Sa loob ng limang taon na ipinagsama namin ni Juan (‘di tunay na pangalan), isang taon lang siya nagtrabaho at nang matanggal sa trabaho ay hindi na humanap ng ibang mapagkakakitaan. Natanggal siya dahil nahuling natutulog sa oras ng trabaho.

Ako naman ay nagsimulang umaktong “madre de pamilya” at dahil tapos naman ako ng accountancy, nagtatrabaho ako bilang finance head sa isang kumpanya sa Makati. Maganda naman ang kinikita ko at sapat sa aking pamilya dahil iisa lang ang anak namin.

Dapat ko bang hiwalayan si Juan? Naiinis na rin kasi ako kung minsan pero mahal ko naman siya.

Josie

Dear Josie,

Kung mahal mo siya sa kabila ng kapintasan, bakit mo siya hihiwalayan? Sabagay, masagwa sa isang lalaki ang tamad dahil responsibilidad niya ang maging bread winner sa pamilya. Pero kung nangingibabaw ang pag-ibig mo at kaya mong batahin ang kapintasan niya, dakila na siya’y patuloy mong pakisamahan pero bigyan mo ng motibasyon para gumalaw din sa ikabubuti ng inyong pamilya.

Dr. Love

BAKIT

DAPAT

DEAR JOSIE

DR. LOVE

MAGANDA

MAGANDANG

MAKATI

NAIINIS

NATANGGAL

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with