^

Dr. Love

Bakit nagbago siya?

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Merci, may asawa at 27-anyos. Dalawang taon pa lang ka­ming naikakasal ng mister ko na si Mau. Wala pa kaming anak.

Noong una’y very sweet siya sa akin. Pagka-galing sa opisina ay lagi akong hinahagkan at may pasalubong pang rosas.

Sa nakalipas na anim, na buwan ay malaki na ang kanyang pinagbago. Laging mukhang aburido at tuluy-tuloy sa kuwarto namin pagdating mula sa opisina.

Hindi naman nagbabago ang oras ng kanyang pag-uwi. Nagtataka ako. Mayroon kaya siyang ibang kinahuhumalingan?

Tuwing tatanungin ko siya ay laging sinasabi niyang wala siyang problema at pagod lang siya.

Hindi man niya sabihin, alam ko na may prob­­lema siya. Ano ang dapat kong gawin?

Merci

Dear Merci,

Dagdag-pasensya ang kailangan mong gawin. Baka may problema siya sa opisina o baka pagod siya sa gawain.

Kapag day-off niya ay yayain mong lumabas. Iniisip ko na baka ‘yung wala pa kayong anak sa loob ng dalawang taon na pagsa­sama ang dahilan ng kanyang pag-iisip.

Himukin mo siyang magsiwalat sa iyo dahil ang pagsisiwalat ng niloloob ay nakakagaan ng pakiramdam.

Dr. Love

ANO

DAGDAG

DALAWANG

DEAR MERCI

DR. LOVE

HIMUKIN

INIISIP

KAPAG

LAGING

MAYROON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with