^

Dr. Love

Nakukulangan kay Mister

- The Philippine Star

 Dear Dr. Love,

Ang kakapusan na nararanasan namin sa buhay ang nag-udyok sa akin para lumuwas muli ng Maynila at mamasukan. Tinanggap po uli ako ng dating amo.

Tutol po ang mister ko sa paglayo ko, pero napilitan na rin siya dahil kailangan niya rin ng tulong ko para sa kanyang pananim. Ang aming bunsong anak ay dinala ko sa aking ina habang ang panganay na maglilimang taon gulang ay kasama ng aking asawa.

Dati rin po namamasukan sa Maynila ang aking mister, sa konstruksiyon pero dahil mabagal po siyang kumilos sinisante siya at hindi na nakahanap pa ng ibang mapapasukan.

Umuwi kami sa mga magulang niya, pero itinaboy kami sa kapirasong lupa malapit sa bundok, na siya raw naming pagyamanin. Wala po kaming pambili ng abono at pamatay ng kulisap, isa pa mahina po sa pamamaraan ang aking asawa sa agrikultura.

Kaya ang isang beses na anihan ay kulang pa para sa pangangailangan ng pamilya. Ta­nging mga tanim na gulay lang po ang naibebenta pero hindi rin sapat.

Tatlong taon po akong tumigil sa pamamasukan at hindi ko na po maatim ang sitwasyon ng aming pamilya kaya namasukan akong muli.

Bukod sa matugunan ang pangangaila­ngan ng aming mag-anak, gusto ko rin po magkaroon ng pamasahe para mabisita naman ang aking mga magulang at kapatid sa Bicol­, nangungulila na po ako sa kanila.

Gustuhin ko mang sama-sama kami ng pamilya, walang mangyayari kung aasa lang ako sa aking mister. Kailangan ko munang humanap ng puhunan saka na babalik uli sa bundok para makapagtindahan man lang ako.

Maraming salamat po at sana mamulat din ang mga mata ng aking asawa na para mabuhay, kailangang maging masipag at maabilidad.

Gumagalang,

Tina

Dear Tina,

Talagang dapat magtulungan ang mag-asawa sa ginhawa man, lalo na sa gipit na sit­was­yon. Lalo na sa panahon ngayon. Wala akong nakikitang masama sa hangarin mo na makatulong para sa pangangailangan ng inyong pamilya.

Huwag ka sanang makalimot na ang relasyon ng pagiging mag-asawa ay pagiging lakas ng bawat isa. Naniniwala ako na walang pagsubok sa buhay na hindi malalampasan, lalo na kung sa bawat hakbang ay hindi nawawala ang pagtitiwala natin sa Maykapal.

Dr. Love

AKING

BICOL

BUKOD

DATI

DEAR TINA

DR. LOVE

GUMAGALANG

MAYNILA

PARA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with