^

Dr. Love

Kasal pero may boyfriend

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Hi. Kumusta po kayo. For your information­, hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko nababasa sa PSNGAYON ang inyong inspiring column­.

Tawagin n’yo na lang akong Alma, isa akong kasambahay.

Gaya ng ibang sumusulat sa inyo, umaasa akong matutulungan n’yo ako sa aking problema sa pag-ibig.

Hiwalay ako sa asawa at may isang anak na nasa pangangalaga ng aking ina.

Walang pormal na annulment ang aming paghihiwalay ni Tonio at ngayo’y may manliligaw ako na gustung-gusto ko.

Sinagot ko na siya pero ayaw kong makipag- live-in.

Pag-day-off ko ay dun lang kami nagkikita. Ano ang dapat kong gawin?

Alma

 

Dear Alma,

Malaking gastos ang pagpapa-annul pero iyan ang tamang gawin kung gusto mong ma­ging legal ang muli mong pag-aasawa.

Pero sa kalagayan mo, paano mo maa-afford­ ang gastusin?

Maaari kayong magsama ng boyfriend mo nang ‘di kasal pero sa batas ng tao at ng Dios, labag iyan at puwede kang kasuhan ng asawa mo dahil asawa ka pa rin niya.

Inuulit ko, magastos man ang annulment, wala kang magagawa kundi isulong ito kung ibig mong mawalang bisa ang dati mong kasal.

Dr. Love

ANO

DEAR ALMA

DIOS

DR. LOVE

GAYA

HIWALAY

INUULIT

KUMUSTA

MAAARI

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with