^

Dr. Love

Nagtatago na si Jun

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Napakalaki po ng problema ko ngayon. Matapos malaman ng boyfriend kong si Jun na buntis ako ng dalawang buwan ay pinagtataguan na niya ako. Wala pang isang taon kaming magkakilala. Nang minsang magkasabay kami sa canteen ay nagkapalagayan na kami ng loob. Tinulungan niya ako makakuha ng mga client para sa pinapasukan kong tour agency hanggang sa maging kami. 

Madalas na siyang umuwi sa aking apartment, live-in na ang nangyari sa amin. Pero nang malaman niyang buntis na ako. Dumalang na ito. Nalaman ko sa pagkakataong ito na nagpadestino siya sa aming lugar dahil may nauna na siyang nabuntis at pinagtataguan na. Ano po ba ang dapat kong gawin?  Napakalaki kong tanga. Naniwala naman ako agad na mabuti siyang tao at isang responsableng binata. Nakakadismaya ang pangyayaring ito. Tingin ninyo, babalik pa kaya si Jun?

Gumagalang,

Nilda

Dear Nilda,

Kung una na niyang nagawa ang gaya sa dinaranas mo ngayon, hindi nakakapagtaka na biktima ka na rin niya. Pero nariyan na iyan, pinakamabuti na huwag mo nang ituon ang oras mo kay Jun, sa halip sa buhay na nasa sinapupunan mo. Sana mag-iwan ng hindi malilimutang leksiyon ang nangyari ito sa buhay mo, para hindi na maulit.

Dr. Love

ANO

DEAR NILDA

DR. LOVE

DUMALANG

GUMAGALANG

MADALAS

MATAPOS

NAKAKADISMAYA

NAPAKALAKI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with