^

Dr. Love

Hinagpis ni Inday

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Salamat sa pagpapaunlak mo sa sulat ko at sana’y datnan ka sa mabuting kalagayan.

Isa rin ako sa libo-libo mong readers na may problema sa puso. Tawagin mo na lang akong “Inday” 25 anyos at dalaga pa. Wala akong manliligaw dahil hindi ako maganda. Minsan nalulungkot ako dahil isinilang akong kapos sa kaganda­hang panlabas.

Isa lamang akong katulong sa bahay at lalong sumasama ang loob ko kapag nakakita ako ng guwapo na type ko. Kahit gusto kong mapansin, hindi ako pinapansin dahil sa anyo ko. Hindi naman ako puwedeng magpakita ng motibo dahil ayokong lumabas na mumurahing babae.

Ano ang gagawin ko?

Inday

Dear Inday,

Walang pangit na nilikha ang Diyos. Ang kapa­ngitan at kagandahan ay nasa isip lang ng tao pero sa mata ng Diyos, lahat ay pantay-pantay. Ang pinaka­ mahalagang katangian ng tao ay ang gandang panloob. Isang uri ng kagandahang hindi kumukupas.

Manatili ka lang na nananalig sa Diyos at may mabuting kalooban. Hindi pa lang marahil dumara­ting ang takdang panahon para dumating ang isang prince charming na magmamahal sa iyo. Magtiyaga ka lang maghintay at tama ka, huwag kang magpapakita ng motibo dahil ang ganyan ay matatawag na sukdulang kapangitan ng sino mang gagawa nito.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR INDAY

DIYOS

DR. LOVE

INDAY

ISA

ISANG

KAHIT

MAGTIYAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with