^

Dr. Love

Distant cousin

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Hello. Ako po si Shirley. Hindi ko na ibibigay ang buo kong pangalan. Ako po ay 19 anyos at in love sa aking sariling pinsan sa ama.

Actually, ang tatay ng crush ko ay second cousin­ ng aking father. Nanliligaw na po sa akin ang distant cousin ko pero duda ako sa status namin.

Sa totoo lang po, mahal ko siya but I can not say yes dahil nga magkamag-anak kami. Masyado kasing very close ang aming mga pamilya at baka may hindi magandang masabi ang mga relatives namin.

Ano ang gagawin ko?

Shirley

Dear Shirley,

Sabi mo, second cousin ng father mo ang father niya. That means, third cousin mo na siya at malayo na ang agwat ng inyong pagkakamag-anak.

Ang problema lang ay ‘yung closeness ng inyong mga pamilya. May mga angkan na ganyan. Kahit malayo na ang relasyon ay close pa rin.

Pero sa pagkakaalam ko, wala nang legal impediment kung kayo’y magiging mag-on at magpapakasal.

Kung talagang nakatitiyak kayo sa damdamin ng bawat isa ay ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa magiging reaksiyon ng bawat ninyong partido. Para sa akin, pinakamabuti na maipagtapat ninyo ito, lalo na sa iyong magulang. Dahil ikaw ang babae. Maaaring masaktan sila, pero higit na magi­ging masakit para sa inyong pamilya kung madidiskubre nila sa iba ang espesyal na pagti­tinginan ninyo.

Malaking tulong ang taimtim na pagdarasal para pumabor sa inyo ang hinahangad.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR SHIRLEY

DR. LOVE

KAHIT

MAAARING

MALAKING

MASYADO

NANLILIGAW

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with