^

Dr. Love

OK lang kahit mistress

-

Dear Dr. Love,

Gusto ko po ihingi ng payo kung bakit tinatanggihan ng kasalukuyan kong minamahal ang alok kong pakasalan siya at maging full-time wife ko.

Tawagin na lang nating siyang Abby, sa kanya ko na natagpuan ang katapatan at sinseridad ng tunay na nagmamahal. Hindi nakaapekto sa pagtingin ko sa kanya ang pagiging dating GRO. Kapag nasa piling niya ako, payapa ang buhay ko. Asikasong-asikaso niya ako. At wala siyang bukang bibig kundi kung paano ako mapapa­ligaya at maiiiwas sa karamdaman. Kalahati ng edad ko ang gulang ni Abby sa akin, 50-anyos na po ako. May isang anak na lalaki po kami.

 Ibang-iba po siya sa aking asawa na masyadong ambisyosa sa buhay, mahilig sa sosyalan, magagarang damit at alahas para ipagpasikat sa lipunan ng mga elitista.

Matagal ko nang alam sa sarili ko na mas minamahal ko si Abby at hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Pero ayaw niyang pakasal sa akin dahil maligaya na siyang ma­ging mistress ko. Gugulo raw ang buhay ko kung hihiwalayan ko ang aking asawa. Hindi raw niya gusto na mawala ang respeto ng mga anak ko sa akin gayundin ng mga taong mataas ang pagpapahalaga sa akin sa industriyang kinabi­bilangan ko.

Hindi naman daw niya gusto na angkinin ako nang buong-buo dahil alam naman niya na nakiamot lang siya ng pagmamahal ko. May matuwid ba siya na tanggihan ako sa aking proposal na pagpapakasal sa kanya?

Hangad ko po ang mahalaga ninyong payo at maraming salamat.

Vicente Pena

 

Dear Vicente,

Merong malaking dahilan si Abby. Alam niya sa simula pa lang ay mali ang pinasok niyang pakikipagrelasyon sa tulad mong may asawa at mga anak. Tukoy niya rin sa kanyang sarili ang gulo na maaaring likhain sakaling umayon siya sa balak mong pakasalan siya at tulu­yang hiwalayan ang iyong pamilya. Huwag mo nang dagdagan ang mga pagkakamali dulot ng hindi tamang pakikipagrelasyon mo sa ibang babae. Para sa akin, kung tunay ngang mahal mo si Abby, palayain mo siya sa pagkakasala at kapwa­ kayo mamuhay ng matuwid.

Dr. Love

AKO

ALAM

ASIKASONG

DEAR VICENTE

DR. LOVE

GUGULO

HANGAD

NIYA

SIYA

VICENTE PENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with