^

Dr. Love

Ginawang sugar mommy

-

Dear Dr. Love,

Isang taon akong naging bulag at nangarap nang gising na nakatagpo na ng perfect boyfriend na kayang ipagmalaki sa aking sosyal na mga kaibigan. Pero nauwi ito sa malaking pagkadala, matapos kung mabuko na biktima ako ng modus operandi ni Freddie.

Ang matinding atraksiyon ko sa kanyang kaguwapuhan ang nag-udyok sa akin para mahalin siya ng todo. Kaya naman wala siyang hiniling na tinanggihan ko. Napag-uusapan na namin ang kasal nang sama-samang magsadya sa akin ang mga kasama sa ballroom dancing, kung saan ko nakilala si Freddie bilang DI at sabihin na isa na rin sa kanila ang nabiktima nito.

Natauhan ako bigla, Dr. Love. Naisip ko na mabuti at hindi pa nalustay nang tuluyan ang perang naiwan sa akin ng yumao kong asawa dahil sa luho ni Freddie. Ngayon ay lay-low muna sa paglalabas dahil sa malaking pagkadala.

Thank you Dr. Love sa pagbibigay daan mo sa aking liham at of course hangad ko ang makabuluhan mong payo.

Ang iyong tagahanga,

Soledad

Dear Soledad,

Masuwerte ka sa pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan. Alam ko na natutunan mo na ang leksiyon mo sa karanasang ito, na hindi laging puso ang paiiralin kundi kasama nito ang isip para hindi mabiktima ng mga mapagsamantala.

Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa pitak na ito para ibahagi ang iyong kasaysayan at kapulutan din ng aral ng ating mga readers.

DR. LOVE

vuukle comment

ALAM

DEAR SOLEDAD

DR. LOVE

FREDDIE

ISANG

KAYA

MARAMING

MASUWERTE

NAISIP

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with