^

Dr. Love

Takot sa cancer

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa iyo Sir. Tawagin mo na lang akong Mila, 45 anyos at isang misis.

Last year, nagpa-mammogram ako at naka­kita ang doktor ng isang bukol sa kanang suso ko.

Niresetahan ako ng doktor ng gamot at sina­bihang kung hindi liliit ay iba-biopsy niya ito.

Pitong buwan na ang nakalilipas since then at imbes na lumiit ay lalong lumalaki. Nung araw hindi ko ito nahalata. Ngayon ay nakakapa ko na.

Scheduled na akong magbalik sa doktor pero natatakot ako. Hindi pa rin ito alam ng aking­ asawa.

Cancer nga kaya ito. Ano ang gagawin ko?

Mila

Dear Mila,

Dr. Love ang tawag sa akin pero hindi ako manggagamot. Pero ang maipapayo ko ay magbalik ka sa doktor mo para malaman at makaseguro kung ano nga iyang bukol na iyan.

At kung cancer man ‘yan, lalong dapat mong agapan at huwag kang magpatumpik-tumpik. Nagagamot na ngayon ang cancer kapag ma­agang natukoy.

Pero sa kade-delay mong magpa-check up, baka lalong lumala iyan.

Sabihin mo rin sa asawa mo dahil iyan ang tungkulin ng mag-asawa. Magdamayan.

Alam mo, maraming tao ang nauunang na­mamatay dahil sa takot. Huwag kang matakot. Kaya nga tayo nagpapa-check-up ay para maagapan ang ano mang sakit na matutukoy, okay?

Dr. Love

ALAM

ANO

DEAR MILA

DR. LOVE

HUWAG

KAYA

MAGANDANG

MAGDAMAYAN

PERO

SIR. TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with