^

Dr. Love

Summer Love

-

Dear Dr. Love,

Summer na naman po at ang mainit na panahon ang nakapagpapagunita sa akin ng isang short-lived love affair na dumating sa buhay ko, tatlong taon na ang nakakalipas.

Sumama ako noon sa pagbabakasyon ng aking mga pinsan sa Palawan kung saan ko nakilala si John, 28 years old na dayuhang peace corps volunteer.

Attracted kami sa isa’t isa kahit pa sampung taon ang agwat ng edad namin noon.

Marahil dahil sa alam ko na malapit na siyang bumalik sa US, hindi ko na napigilan ang aking sarili. Hindi siya ang una kong nakare­lasyon pero siya ang nakauna sa aking virginity.

Sa kabila nang mga nangyari, niliwanag ni John na walang katiyakan ang aming relas­yon. Pero hindi ko ‘yun inintinde dahil ang alam ko lang ay mahal ko siya at sa paniniwala ko ay mahal niya rin ako.

Nauna akong umalis kay John sa Palawan pero nangako siya na sa pag-alis niya pabalik sa US, magkikita kami sa Maynila.

Hanggang pangako lang ang lahat, Dr. Love dahil isang letter lang ang natanggap ko, humingi siya ng paumanhin sa lahat dahil may naghihintay sa kanyang nobya sa Amerika.

Kay laki ko talagang tanga sa pag-asam na babalikan ako ni John. Ako ang siyang nagpaasa sa sarili gayong wala naman siyang ipinangako na anuman sa akin.

Sana magsilbing leksiyon ang karanasan ‘kong ito sa iba na maaaring nahihibang sa pag-ibig at pag-aasam na isang araw ay maka­pag-asawa ng puti.

Maraming salamat at hangad ko ang patuloy na tagumpay ng inyong column.

Gumagalang,

Lizza

 

Dear Lizza,

Sana hindi mawala sa iyo ang leksiyong iniwan ng kapusukan sa pag-ibig. At nawa’y matuto rin ang ating mga readers sa iyong karanasan. Sa susunod hindi lang puro puso, gamitin din ang utak kapag in-love.

Dr. Love

 

vuukle comment

AMERIKA

DEAR LIZZA

DR. LOVE

GUMAGALANG

LIZZA

MARAHIL

MARAMING

MAYNILA

PALAWAN

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with