Gumamit ng drugs dahil sa siyota
Dear Dr. Love,
Please lang, ikubli mo na lang ako sa pangalang Dick. Isa akong 18 anyos na college student. May naging girlfriend ako pero hindi ko akalain na siya pa ang magdadala ng kapahamakan sa akin.
Maganda siya at type na type ko. Pero dahil sa kanya at sa kanyang barkada, natuto akong gumamit ng shabu.
Ngunit hindi pa ako lulong. May kontrol ako sa sarili ko. Nagtatampo kasi siya kapag ayaw ‘kong sumama sa kanya.
Hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit sa kabila nito ay ayaw ko siyang hiwalayan. Mahal ko siya at gusto ko, ako ang maka-impluwensya sa kanya na magbago.
Ano ang gagawin ko?
Dick
Dear Dick
Kung totoong hindi ka pa lulong at nakikisama ka lang dahil sa girlfriend mo, ang maipapayo ko’y iwanan mo ang babaeng iyan na talagang magdadala sa iyo sa kapahamakan.
Siguro masyado lang siyang sexy at maganda kaya lubha kang attracted sa kanya. Pero isipin mo ang future.
Habang maaga, itigil mo na ang pagsama-sama sa kanya dahil mapapahamak ka sa dakong huli.
Dr. Love
- Latest
- Trending


















