^

Dr. Love

Tatanggapin ko pa ba?

-

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Cesar. Limang taon kaming nagsama ng misis kong si Lissel. May isa kaming anak na tatlong taong gulang.

Noong isang taon, nilayasan niya ako at sumama sa ibang lalaki. Iniwan sa’kin ang kaisa-isa naming anak na babae.

Sandali lang ang relasyon niya sa lalaking ‘yon. Minsan pinuntahan ako ng kaibigan niya. Gusto raw magbalik sa akin ni Lissel at nagsisisi na siya.

Aaminin ko na nasaktan ako sa ginawa niya. At ‘di siguro ako masasaktan kung hihdi ko siya mahal. Mahal na mahal ko siya.

Pero nagdadalawang-loob ako. Sa kabila ba ng kataksilan niya ay dapat ko pa siyang tanggapin?

Gulung-gulo ako. Tulungan mo akong magpasya.

Cesar

Dear Cesar,

Tao lang tayong lahat na nagkakasala. Pero ano mang oras na magsisi tayo at hingin ang tawad ng Diyos, pinapatawad tayo.

Kung ang Diyos ay nagpapatawad, tayo pa kaya na nilikha lamang niya?

Ang pagpapatawad sa gaano man kabigat na sala ay isang dakilang bagay na magagawa ng sino man. Sige. Bigyan mo siya ng another chance at sana’y huwag na siyang umulit sa kanyang kataksilan.

Dr. Love

AAMININ

AKO

BIGYAN

DEAR CESAR

DIYOS

DR. LOVE

GULUNG

INIWAN

LISSEL

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with