^

Dr. Love

Ipinagpalit sa kabet

-
Dear Dr. Love,

Hindi ko po akalain na may katotohanan na sa kabila ng magandang samahan ay magka­karoon ng panlalamig sa pagitan ng mag-asawa.

Ganito po kasi ang kinahinatnan ng relasyon namin ni Fernando. Unang nawala ang presensiya naming dalawa na magkasama sa mga lakaran, kasunod ang komunikasyon hanggang sa hindi na namin maitago sa aming dalawang anak ang panlalamig sa isa’t isa.

Nag-umpisa ito nang mabisto ko na ipinagpalit ako ng aking asawa sa isang 20 anyos na agogo dancer. Hindi na nakatanggi ang aking­ asawa nang mismong mahuli ko ang araw ng pag­silang ng kanilang anak na lalaki. Nag­ka­taon na nag-deliver ako ng gamot noon bilang med. rep.

Hindi ko na magawang sumiping sa aking­ asawa. Nagkausap na kami dito. Nag-sorry siya at sinabing gagawa ng paraan para mahi­walayan ang kabet niya. Pero nitong huli ay nagpadestino siya sa Cebu, sa lugar ng babae. Parang sampal sa mukha ko ang katotohanan na pinili niya ang kabet niya, Dr. Love.

Pinalaya ko siya dahil wala na akong tiwala at respeto sa kanya. Paminsan-minsan dina­dalaw niya ang aming anak. Pero masama na ang loob sa kanya ng mga bata dahil nalaman na nila ang lahat. Binura ko na rin sa gunita ko na ako ay mayroong asawa. Hindi ko na siya ina­asahang magbabalik pa. Ang panalangin ko na lang, mapatapos ko ang dalawa naming­ anak at saka ko na iisipin ang pangsariling kapakanan.

   Maraming salamat po at mabuhay kayo  sa misyon ninyong ginagampanan para maka­tulong sa tulad ko.

Gumagalang,

Fraida

Dear Fraida,

Sadyang may pangyayari sa buhay na hindi inaasahan. At ang tanging paraan para maka­laya sa sakit ay ang pagtanggap sa katoto­hanan at pagpapatawad kasama ang Maykapal.

Bagaman, masaklap na kabiguan ang sina­pit mo sa iyong mister, hindi dapat tumigil ang mundo mo dito. Sa halip, gamitin mong kala­kasan ang pait nito para mas maging matatag para sa iyong mga anak.

Naniniwala ako na may hangganan ang lahat. Manatili kang manalig sa Diyos at ipagka­tiwala ang buhay ninyong mag-iina sa Kanya. Sikapin mo rin maipanalangin ang iyong asawa, na hindi niya sapitin ang masaklap na pagsisisi sa buhay dahil sa ginawa niya sa inyong mag-iina.

Hangad ko ang kaligayahan mo sa kabila ng lahat. God bless you!

Dr. Love

ASAWA

BAGAMAN

BINURA

CEBU

DEAR FRAIDA

DIYOS

DR. LOVE

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with