^

Dr. Love

Minsan lang ako iibig

-

Dear Dr. Love,

Sumulat ako sa iyo para tanungin ka sa na­ging desisyon ko. Na ako ay hindi na iibig muli matapos magtaksil sa akin ang una kong boyfriend.

Tawagin mo na lang akong Ysel, 25 anyos. Tatlong taon kaming magkasintahan ni Nilo at buong akala ko at maging ng aking mga kaanak ay kami na nga.

Pati magulang niya’t magulang ko ay magkakilala na. Pero ‘di ko sukat akalain na magtataksil sa akin si Nilo. Nagpunta siya sa Ame­rika. Sabi niya ay magtatrabaho lang siya roon para sa aming kinabukasan. Naniwala ako.

Pero wala pang isang taon ay nabalitaan kong nag-asawa na siya ng isang biyudang American citizen. Para akong pinagtakluban ng langit at lupa. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag-move on. Sumumpa akong hindi na iibig muli. Tama ba ito Dr. Love? May masugid kasi akong manliligaw at may nadarama akong love sa kanya.

Ysel

 

Dear Ysel,

Tanong mo, sagutin mo. Sabi mo may damdamin ka sa manliligaw mo pero isinumpa mo sa sarili na huwag nang umibig muli. Kung matutupad mo ang pangako sa sarili eh ‘di mabuti.

Pero kung mabigat sa iyong gawin ‘yon dahil may manliligaw kang nagugustuhan mo, walang masama kung umibig ka’ng muli.

Isa pa, may karapatan kang humanap ng bagong kaligayahan. Sabi nga mas mabuti ang umibig at mabigo kaysa hindi na umibig pa.

Dr. Love

DEAR YSEL

DR. LOVE

HANGGANG

ISA

NAGPUNTA

NANIWALA

NILO

PATI

PERO

SABI

YSEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with