^

Dr. Love

Mayroon nang ibang mahal

-

Dear Dr. Love,

Naiipit ako sa problema ng puso dahil may girlfriend na ako sa nakalipas na limang taon pero, may niligawan akong iba at magsiyota na kami ngayon. Kaklase ko si Loida noong high school sa aming lalawigan at ang magulang niya ay kaibigan ng aking pamilya. Magkaibigan kami nang ligawan ko siya at mapasagot.

Naging madalang ang aming pagkikita nang lumuwas ako ng Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Nangulila ako kay Loida at naibsan naman ito ng kaklase ko na si Miriam.

Nararamdaman ko po na mas mahal ko si Miriam pero nahihirapan akong ipagtapat ang tungkol dito kay Loida dahil naaawa ako sa kanya. Isa pa, tiyak na magagalit ang aking ina na botong-boto sa kanya.

Sinabi ko na kay Miriam ang tungkol sa naiwan kong girlfriend sa probinsiya at ang sabi niya ay handa­ niyang ipakipagsapalaran ang kanyang pagmamahal. Hindi raw nagbabago ang kanyang pagtingin sa akin at mauunawaan niya kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa. Ipinagtapat ko na rin sa kanya na mas mahal ko siya. Kaya lang hindi ko pa nasasabi kay Loida. Balak ko itong ipagtapat sa darating na Marso. Pero hindi ko alam kung paano. Payuhan mo po ako kung paano ko sasabihin sa una kong girfriend ang pagbabago ng aking damdamin sa kanya. Gusto ko pa rin na mapanatili ang aming pagkakaibigan.

Maraming salamat Dr. Love at more power to you.

Gumagalang,

Jun

 

Dear Jun,

Sa pakikipagrelasyon, hindi kailan man naging madali ang break up lalo pa kung may third party na. Pero para maging patas sa iyong unang girlfriend na maaaring umaasa ng lubos sa iyong pangako ng pagmamahal sa kanya kahit pa magkalayo kayo sa isa’t isa, ipagtapat mo sa kanya ang tungkol sa sinasabi mong pagbabago ng iyong damdamin at ang pagkakaroon ng ibang babae sa buhay mo.

Maaaring hindi magiging madali kay Loida ang tungkol dito pero, pinakamabuti na ipagtapat mo sa kanya ang totoo sa lalong madaling panahon.

Madalas ang pagkakalayo ng dalawang magka­relasyon ay nauuwi sa pangungulila, na kadalasan ay inihahanap sa ibang babae.

Pero pakaisipin mo ring mabuti kung talagang si Miriam ang mas mahal mo. Dahil sa sandaling maki­pagkalas ka na kay Loida, tuluyan na rin mapuputol ang matagal na ninyong pinagsamahan bilang magnobyo. Wala ring garantiya dito kung mapapanatili kahit ang inyong pagkakaibigan. 

Good luck sa iyo at sana maging matalino ka sa pagpili dahil walang rewind sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BALAK

DAHIL

DEAR JUN

DR. LOVE

GUMAGALANG

KANYA

LOIDA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with