^

Dr. Love

Dapat pa bang magtiwala?

-

Dear Dr. Love,

Ako po ay kabilang sa libu-libong tagahanga ninyo. Kaya naman ninais kong lumiham sa inyo para makapag-ambag ng sarili kong karanasan sa buhay at tuloy makahingi ng mahalaga ninyong payo.

Isa po akong bilanggo sa pambansang piitan. Mula po ako sa mahirap na pamilya. Maagang sumakabilang buhay ang aking ama at naiwan sa aking ina ang mabigat na tungkuling buhayin kaming tatlong magkakapatid.

Dahil sa ako ay nagsosolong lalaki, nagpasya akong tumulong sa aking ina sa pagha­hanap-buhay para maigapang sa pag-aaral ang dalawa kong kapatid na babae.

Dumating ang panahong nag-asawa ako. Akala ko ay wala nang katapusan ang ligaya sa buhay ko lalo na nang magsilang siya ng isang malusog na batang lalaki.

Minsan galing ako sa laot sa pangingisda, nadatnan ko sa bahay ang dalawang lasing na lalaki at binabastos nila ang asawa ko. Sinaway ko sila pero armado ang isa at mabilis akong inun­dayan ng saksak. Nagdepensa ako at napatay ang isa sa kanila.

Nakulong ako. Dagdag pa rito, nabalitaan ko na ang asawa ko ay sumama sa ibang lalaki. Ang tanong ko po, may babae pa kayang dapat kong pagkatiwalaan?

 Maraming salamat po at more power.

Lubos na gumagalang,

Louie Andrade

Bldg.1 Cell 131 MSC

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Louie,

Maraming salamat sa liham mo. Ganap na­ming nauunawaan ang iyong naging damdamin at kung bakit takot ka nang magtiwala sa babae.

Hindi lahat na babae ay mahina at takot sa hirap. Kaya dahil dito binigyan mo ng konsi­derasyon ang pagkawala mo na ng tiwala sa kababaihan. Makakatagpo ka rin ng babae para sa iyo na magmamahal ng tapat anuman ang iyong nakaraan.

Magpakatatag ka at huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang  Diyos ay laging tumutulong sa marunong tumawag at naniniwala sa kanya.

Dr. Love

 

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DAGDAG

DAHIL

DEAR LOUIE

DR. LOVE

KAYA

LOUIE ANDRADE

MARAMING

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with