^

Dr. Love

Bastos na BF

-

Dear Dr. Love,

Harinawang datnan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Inez, isang ginang na 45 anyos.

Five years na akong biyuda at may nag-iisang anak na babae. May boyfriend ang anak ko. Mayaman, guwapo pero mayabang.

Ayaw kong makatuluyan ng anak ko ang lalaking ‘yon dahil masyadong presko. Kapag nasa bahay ay walang modo. Ni hindi bumabati ng magandang hapon o magandang gabi. Parang walang inabutang tao. Tingin ko, tanging ang anak ko lang ang nakikita niya.

Twenty-two years old na ang anak ko at isang call center agent. Pinagsabihan ko na siya pero siya pa ang nagalit. Sabi niya huwag ko raw siyang diktahan dahil sarili niyang kaligayahan ‘yon.

Paano ko makukumbinsi ang anak ko na talikuran ang lalaking ‘yon na mayaman nga ay ubod naman ng bastos?

Inez

Dear Inez,

Pagdating sa pag-ibig, puwede lang magpayo ang magulang. Pero ang utusan ang anak sa mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig ay hindi puwedeng gawin.

Mag-pray ka na lang na magbago ang pasya ng anak mo o kaya ay magbago ang lalaki para makatugma sa iyong pamantayan.

Dr. Love

vuukle comment

ANAK

AYAW

DEAR INEZ

DR. LOVE

HARINAWANG

INEZ

KAPAG

MAYAMAN

PAANO

PAGDATING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with