^

Dr. Love

Mrs. Doubtfire

-

Dear Dr. Love,

Sana’y tulungan mo ako sa problema ko. Mag-iisang taon na kaming kasal ng asawa ko pero ilang buwan pa lang ay umalis na siya ng bansa para magtrabaho dahil kapos kami sa pinansyal. May iniwang maliit na box ang aking asawa sa kuwarto namin na balot ng packaging tape.

Tinanong ko siya kung ano ang laman nun pero ‘di niya ako sinasagot. Minsan curious na talaga ako na malaman kung ano ang laman nun. Kaya kahit alam kong kasalanan ay binuksan ko ito.

Dun ko nalaman na pera ito, marami at dolyar galing sa bansang aming pinagtrabahuhan dati. Noong mga panahon na ‘yun ay hindi pa kami mag-asawa.

Dr. Love, may karapatan ba akong ma­galit sa asawa ko dahil pinaglilihiman niya ako, kahit alam kong pera niya ‘to sa pagkabinata?

Natatakot akong magalit siya kapag nalaman niyang binuksan ko ‘yun ngunit gusto ko naman na ingatan niya ang pera na ‘yun sa pamamagitan ng paglalagay sa banko at ‘di rito sa bahay na hindi naman sa amin. Malapit na rin akong umalis ng bansa para magtrabaho.

Maraming salamat po.

Sincerely yours,

Mrs. Doubtfire

 

Dear Mrs. Doubtfire,

Hindi ko alam kung bakit ipinaglihim ng mister mo ang perang yaon. Ngunit asawa ka niya at wala akong nakikitang mali sa ginawa mo.

Sabihin mo ang totoo sa asawa mo pero huwag mong titinagin ang pera dahil baka may mahalaga siyang pinaglalaanan para doon. ‘Yun ang itanong mo sa kanya dahil bilang asawa, karapatan mong malaman ‘yon.

Posibleng magalit siya sa iyo pero sa ma­­husay na pag-uusap, alam kong magkakaunawaan kayo.

Dr. Love

vuukle comment

ASAWA

DR. LOVE

KAYA

LSQUO

MALAPIT

MARAMING

MINSAN

MRS. DOUBTFIRE

NATATAKOT

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with