^

Dr. Love

Hanap ang ina at mga kapatid

-

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw po sa inyo.

Ninais ko pong lumiham sa inyo sa hangaring sa pamamagitan ng malaganap ninyong column magkaroon man lang ako ng balita sa aking ina na hindi ko rin alam kung nasaan o kung buhay pa siya. Dalawang taon pa lang ako nang mawalay sa kanya. Tatlo kaming magkakapatid at noong siyam na buwan pa lang ako, namatay ang aking ama. Nagkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Inampon ang dalawa kong kapatid habang naiwan naman ako sa aking lolo. Lumayas ako sa lolo ko dahil hindi ko matiis ang pananakit niya. Naging palaboy ako, kahit alam kong may tiyuhin akong may kaya. Sinabi rin ni lolo na may kamag-anak kami sa Cebu, ang pamilya Baynosa at pamilya Pacho.

Hindi ko po alam kung alam nilang nakulong ako sa kasong homicide. Lagi akong dumada­langin sa Diyos na sana matagpuan ko ang aking ina at mga kapatid. Alam ko po na makasalanan ako at matagal ko nang ihinihingi ng kapatawaran sa Diyos­ ang lahat ng aking nagawa. Mula 12 hang­gang 26 taon po ang sintensiya sa akin. Labing-apat na taon ako nang makulong, ngayon ay 28 na ako. Inaantabayanan ko ay ang nalalapit na paglaya. Sana may sumalubong sa akin.

 Sana sa pamamagitan ng inyong column, makatawag pansin ito sa mga nakakakilala sa aking­ pamilya. Ako po ngayon ay narito sa San Ramon­ Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, 6000. Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham ko. More power and God bless you.

Gumagalang,

Reynaldo Baynosa

San Ramon Prison and Penal Farm

Zamboanga City 7000

Dear Reynaldo,

Malungkot talaga ang walang nagisnang mga magulang at malayo sa mga kapatid. Pero mabait ang Diyos, Reynaldo. Tumawag ka lagi sa Kanya at magsisi sa kasalanan at diringgin Ka niya. Mapagpatawad rin ang ating Panginoon.  Paniwalaan mo lang Siya at ang lahat mong ninanais at iniluluhog ay ibibigay Niya kung ito ay makabubuti sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR REYNALDO

DIYOS

DR. LOVE

PRISON AND PENAL FARM

REYNALDO BAYNOSA

SAN RAMON

SAN RAMON PRISON AND PENAL FARM

SANA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with