Isipin ang kinabukasan
Dear Dr. Love,
Good day to you.
Pagmamahal nga ba ang tawag sa aking ginagawa? Nalaman ko noon na ang boyfriend ko ay may 3 years nang girlfriend. Eight months na kami before ko ‘yun nalaman pero sa kabila noon tinanggap ko pa rin siya dahil sa pangako niya sa akin na hihiwalayan niya ‘yung girl.
Pumayag ako na maging kami uli pero pagkatapos ng isang buwan, nalaman ko na sila pa rin dahil daw ‘yun sa tita niya na.
Palagi kasing tumatawag ‘yung girl sa tita niya nagalit ako ng husto noon pero mahal ko pa rin siya at tinanggap ko pa rin siya pero sa tuwina ay nagdududa na ako.
Ang daming nagsasabi sa akin na tama na at tigilan ko na raw ang boyfriend ko pero hindi ko magawa kasi nga mahal ko siya. Tama po ba na mahalin ko pa rin siya sa kabila ng mga ginawa niya?
Thanks po and more power.
Blueangel
Dear Blueangel,
Pakinggan mo ang sinasabi ng na kararami. Masyadong double timer ang boyfriend mo at iyan ay indikasyon na puro sakit ng ulo ang idudulot sa iyo niyan kapag nakasal kayo.
Alalahanin mo na kapag nakasal ka sa
ganyang uri ng lalaki, hindi lang ikaw ang magdurusa, pati ang magiging anak ninyo.
Siguro dahil sa laki ng gusto mo sa kanya, dinidedma no lang ang mga bagay na ginagawa niya kahit nakakasakit sa iyo.
Pero hanggang kailan ka magtitiis? Nahuhumaling ka lang marahil sa lalaking iyan kaya kaya mong pagtiisan. Mag-isip-isip ka.
Nagbabago ang takbo ng buhay. Matapos pa ang maraming taon at siya ang kasama mo, baka matutuhan mo na siyang kasuklaman.
Dr. Love
- Latest
- Trending