^

Dr. Love

Huwag nang dugtungan ang kahapon

-

Dear Dr. Love,

Naiingganyo akong lumiham sa inyo dahil sa malalim ninyong pang-unawa sa mga idinudulog sa inyong mga problema. Natitiyak kong mabibigyan ninyo ako ng makabuluhang payo sa kasalukuyan kong suliranin.

Palagi ko po kasing naiisip ang unang lalaking minahal­ ko bago pa ako nagpakasal sa aking mister. Makaraan ang minsang pagkikita namin sa hindi inaasahang pagkakataon sa isang restaurant.

Nagbalitaan kami na para bang walang ma­lungkot na kabanata ang aming relason noon. Napikot po siya ng kaklase niya matapos niya itong ayaing magsine at mag-good time nang minsang magkatampuhan kami. Pero hiwalay na pala sila ngayon.

Alam niyang mayroon na akong asawa at dalawang anak. Sinusubaybayan daw niya ang naging buhay ko mula nang magkahiwalay kami .Hindi pa anya niya ako nalilimutan sa kabila ng nagdaang mga panahon.

Inihatid niya ako sa upisina at inabangan din ang pag-uwi para raw makapag-dinner kami. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigil. Pagkaraan ng dalawang araw umuwi na siya sa US at gaya ng pangako niya madalas niya akong tawagan bukod pa ang email.

Nais niyang ipagpatuloy namin ang aming nakaraan. Ako lang daw ang mahal niya at pinagsisihan na niya ang pagpapakasal sa iba .Pilit kong kinakapa ang damdamin ko. Alam kong hindi ko kayang iwanan ang aking asawa dahil mahal ko siya. Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit nagugulo pa ang isip ko sa hangarin ng dati kong boyfriend.

Tanda ba ito na minamahal ko pa rin siya? Payuhan mo po ako.

Truly yours,

Nancy

 

Dear Nancy,

Huwag mo nang piliting guluhin ang buhay mo para pagbigyan ang nais ng dating boyfriend na hindi naman naging tapat sa iyo maraming taon na ang nakalilipas.

Maligaya ka naman sa piling ng asawa’t mga anak, bakit mo hahangarin pang sumakit ang ulo mo sa pag-iisip ng mga bagay na alam mo namang hindi mo magagawa.

Sa susunod na tumawag siya, sabihin mo na mahal mo ang asawa at mga anak mo. Huwag mo siyang kaawaan dahil sa bandang huli, ikaw ang kawawa kung maghahanap ka ng ka-gitna.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

DEAR NANCY

DR. LOVE

HUWAG

INIHATID

MAKARAAN

MALIGAYA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with