^

Dr. Love

Kerida ang pinili

-

Dear Dr. Love,

Nang magpakasal kami ni Jun mahigit sa 15 taon na ang nakalilipas, ang pangako namin sa isa’t isa ay walang iwanan. Pero ngayong mayroon na kaming dalawang anak,13 anyos ang panganay at 10 taon ang bunso, nanlamig na ang aming pagsasama na nagresulta sa pangangatawan niyang pakisamahan ang kerida niya.

Bakit po kaya ganoon, Dr. Love? Na­ging mabuti at maunawain naman akong asawa at ina ng aming mga anak. Isang entertainer sa night spot ang ipinalit niya sa akin, mas bata at karinyosa.

Gusto ko po mapanatili ang respeto ko sa aking sarili kaya ayaw ko maghabol. Nasa kanya naman po ang problema, masyado siyang makasarili. Sakaling magsawa siya sa kerida niya, wala na siyang mababalikang pamilya. Kinuha kaming mag-iina ng aking mga magulang na nasa Australia. Nagsisikap kami ngayong magsimula. May nanliligaw po sa akin dito pero nadala na kasi ako kaya wala ito sa aking prayoridad.

Maraming, maraming salamat po at pagpalain kayo ng ating Poong Maykapal.

Judith

Sydney, New South Wales

Australia

 

Dear Judith,

Hindi mo nabanggit sa liham mo kung nagharap ka ng legal separation sa ginawa mong pakikipaghiwalay sa asawa mo. Anyway, ang mahalaga ngayon ay naipakita mo na hindi mo pinabayaan ang iyong mga anak at napanatili mo ang iyong dignidad sa kabila ng masakit na karanasang idinulot ng asawa mo. Mapalad ka sa pagkakaroon ng maunawaing pamilya na nakaalalay sa inyo.

Kung makakatagpo ka ng lalaking magmamahal sa iyo at mamahalin mo rin, hindi mo dapat pagkaitan ang sarili na muling lumigaya. Hangad ng pitak na ito ang kaligayahan para sa inyong mag-iina.

Dr. Love

BAKIT

DEAR JUDITH

DR. LOVE

HANGAD

ISANG

KINUHA

MAPALAD

MARAMING

NEW SOUTH WALES

POONG MAYKAPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with