^

Dr. Love

Cousin-tahan

-

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po ako sa pa­ngalang Natalie, 18 anyos na po ako. NBSB po ako. Istrikto po kasi ang mga magulang ko. Mayroon akong tinatanging pagmamahal sa isa kong “pinsan.” Pero ang turing ko sa kanya ay hindi pinsan kasi ampon siya, kaya akala ko pwede maging kami.

Makaraan ang tatlong buwan ay na­ging kami rin. Tinatago namin ang aming relasyon sa aming mga magulang ng 1 taon na at inaaya na niya ako magtanan. Ano po ba ang gagawin ko? Bigyan ninyo po ako ng payo?

Natalie

 

Dear Natalie,

Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin sa NBSB. Anyway, ang pinuproblema mo ay ang relasyon mo sa isang pinsan na hindi mo naman kadugo dahil ampon lang siya ng mga tito at tita mo, di ba?

Tingin ko’y wala namang problema diyan, maliban kung tututol ang iyong mga magulang o ang iyong mga tito at tita.

Wala namang masama kung habang maaga ay malaman ng iyong mga magulang ang tungkol sa inyong relasyon. Hingin mo ang payo nila at alam kong mauunawaan ka nila.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BIGYAN

DEAR NATALIE

DR. LOVE

HINGIN

ISTRIKTO

MAKARAAN

MAYROON

NATALIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with