^

Dr. Love

Lover nagbantang magpapakamatay

-

Dear Dr. Love

Mainit na pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Nelda 25-anyos.

Mayroon akong ka-live-in. Isa siyang 56-anyos na businessman at may asawa. Mahal na mahal niya ako. Masyado raw nagger ang asawa niya at nagbababad sa madyungan kaya naghanap siya ng ibang mamahalin.

Nagtagal ng three years ang relasyon namin pero hindi kami nagkaanak. Tatlong beses isang linggo kung uwian niya ako.

Pero nitong nakaraang mga araw, nagko-convict ako sa aking relasyon sa kanya. Oo nga’t napamahal na siya sa akin pero sa pagbabasa ko ng Bible, natanim sa puso ko na ito’y ma­laking kasalanan.

Sinubukan kong magtapat sa kanya pero ang sabi niya’y mahal na mahal niya ako at mabuti pang magpakamatay siya kung iiwanan ko siya. Tulungan mo ako Dr. Love.

What will I do?

Nelda

Dear Nelda,

Ang sabi sa Bible, kapag narinig mong nangusap sa iyo ang Diyos, huwag mo nang patigasin ang puso mo at sumunod ka.

Nalaman mong pagsuway sa utos ng Panginoon ang pakikisama mo sa lalaking iyan kaya talikuran mo na siya para maging kalugud-lugod sa Diyos.

Sikapin mong mamulat sa Salita ng Diyos ang iyong kinakasama at ipakita mo sa kanya ang mga talatang nagbigay ng conviction sa iyo. Sabihin mo sa kanya na dapat ninyong gawing prayoridad ang pagsunod sa Diyos sa halip na sa pansariling pita ng katawan.

Kung gagawan man niya ng masama ang sarili niya ay wala ka nang pananagutan doon dahil ito’y sagutin niya sa Diyos.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

DEAR NELDA

DIYOS

DR. LOVE

ISA

LIBANGAN SECTION

NELDA

NIYA

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with