^

Dr. Love

Bugnutin si Misis

-

Dear Dr. Love,

Have a nice day po, isang mapagpalang araw po sa inyo Dr. Love sampu ng iyong mga tagasubaybay araw-araw sa iyong ma­laganap na column.

Isa po ako sa inyong tagasubaybay dahil kinapupulutan ko ng aral ang mga payo ninyo. Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Mr. Tau.

Ako po’y may asawa at anak na isang la­laki, 5yrs old. Ngayon nasa Bohol ang aming anak at inaalagaan ng aking mga magulang. May trabaho po kasi ang asawa ko kaya mi­nabuting iwanan sa nanay ko ang pangangalaga sa anak namin.

Ang problema ko po ay tungkol sa aking asawa na bugnutin at ang pinaka-ayaw ko kapag nagtatalo kami ay nagbabasag siya ng gamit namin sa bahay.

Malapit na po kasing maubus ang pasensiya ko sa kanya. Feeling ko insecure siya lagi, pati mga kapatid niya na kasama ko sa bahay kapag nag-aaway po sila ay pinapalayas po niya.

Naaawa po ako sa mga kapatid niya. Mara­ming beses ko na siyang kinakausap pero ang hirap po niyang paliwanagan. Sana matulungan n’yo po ako. Dahil baka hindi ko na makayanan at hihiwalayan ko siya. Kaya lang po, ayaw ko lumaki ang anak ko na walang magulang.

Mahal ko po ang asawa ko at pamilya ko kaya tinitiis ko ang ugali ng asawa ko at lagi ko siyang iniintindi, salamat po.

Mr. Tau

 

Dear Mr. Tau,

Ang unang gawin mo’y alamin ang dahilan ng pagiging bugnutin ng asawa mo. Ang tao ay hindi basta-basta umaakto nang kakatwa nang walang dahilan.

Sabi mo baka insecure. Tanungin mo ang iyong sarili, may dahilan ba para siya ma-inse­cure? Hindi ka kaya nagkukulang ng aten­syon sa kanya? Ang sino mang asawa ay nag­hahanap ng atensyon at kapag nagku­kulang ka ay posibleng mitsa ito ng kanyang pagsusungit.

Ipasyal mo siya kahit minsan sa isang Linggo­. Importante ang bonding ng mag-asawa.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON­@philstar.net.ph.)

vuukle comment

ASAWA

BOHOL

DAHIL

DR. LOVE

IPASYAL

LIBANGAN SECTION

MR. TAU

RAILROAD STS

ROBERTO S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with