^

Dr. Love

Nangungulila

-

Dear Dr. Love,

Sana’y datnan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalusugan. Ako po si Myrna, 25 anyos at may asawa. Sa isang bahay-sang­laan ako nagtatrabaho habang ang asawa ko ay isang OFW na nagtatrabaho sa Guam. Limang taon na siyang nagtatrabaho abroad at tuwing dalawang taon lang kung umuwi ng Pilipinas. Aaminin ko ako’y nangungulila sa init ng kanyang pag-ibig.

Sa sanglaang pinagtatrabahuhan ko ay may nakilala ako. Tawagin mo na lang siyang Marty. Nagpapalipad-hangin siya sa akin at kahit sinabi kong may asawa na ako at dalawang anak ay ayaw niya akong tantanan.

Marahil, ang pagkakalayo naming mag-asawa ang dahilan kung bakit unti-unti akong naaakit sa kanya. Ayokong mahulog sa tukso Dr. Love.

Ano ang gagawin ko?

Myrna

Dear Myrna,

Isang malaking kasalanan ang gagawin mo kapag pumatol ka sa lalaking yaon.

Tibayan mo na lang ang iyong sarili at isiping may pamilya kang mawawasak kapag kinaliwa mo ang mister mo.

Kung nakakapag-usap kayo ng iyong asa­wa, isalaysay mo ang nangyayari sa iyo at kung gagawin mo iyan, mabubuo ang tiwala niya sa iyo at lalu kang magiging matatag sa pag-overcome ng tukso.

Magbulay ka sa salita ng Diyos na may lakip na taimtim na panalangin. Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas.

Kumbinsihin mo rin ang iyong asawa na kung maaari’y magbalik na siya at sa ano mang naipon ninyo ay magnegosyo na lang kayo.

Dr. Love

vuukle comment

AAMININ

ANG DIYOS

ANO

AYOKONG

DEAR MYRNA

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

KUMBINSIHIN

MYRNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with