^

Dr. Love

Mahal ang nabalong hipag

-

Dear Dr. Love,

Sariwang pangungumusta mula sa Oman sa isa ninyong masugid na tagasubaybay.

Nais ko pong hingin ang mahalaga ninyong payo sa problema ko sa puso.

Mag-30 anyos na ako at ang paglagay sa tahimik ang pangunahing pinag-iisipan ko sa ngayon. Wala pa akong natatagpuan na mapaglalaanan ng buong pagmamahal at magiging ina ng mga anak ko, hanggang sa muling mabuhay ang matagal nang pagtatangi ko kay Sally. Biyuda siya ng kapatid ko.

Magkaklase kami noong highschool at noon pa man ay crush ko na siya. Naiwan kay Sally ang dalawang mahal na mahal kong mga pamangkin.

Bago ako bumalik sa trabaho, kinausap ko siya at sinabing hindi ko sila pababayaan ng mga pamangkin ko. Una tinatanggihan niya ang buwanang pinadadala ko. Pero iginiit ko ito sa kanya. Ipinagtapat ko sa aking ina na nais kong pakasalan ang aking hipag para kako hindi mapabayaan ang dalawang bata na siyang mga unang apo ng aking mga magulang. Wala namang tutol ang aking ina lalo na’t sinabi ko sa kanya na noon pa man ay may pagtingin na ako sa hipag ko, dangan nga lamang at nagbigay daan ako sa Kuya ko.

Hindi ko pa ito naipagtatapat kay Sally. Hindi ako mapagkatulog ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin ko para maipagtapat sa kanya ang aking hangarin.

Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Ayaw kong isipin ni Sally na humihingi ako ng kapalit sa pagtulong ko sa kanila. Mahal ko po si Sally. Paano ko po ito sasabihin sa kanya?

Alberto “Al” Mendoza

Dear Al,

Wala namang masama kung manligaw ka sa hipag mo dahil sa pagkakasalaysay mo, noon pa man ay mayroon ka nang lihim na pagtingin sa kanya.

Sumusulat ka naman sa kanya, di ba? Puwede ka nang magpalipad-hangin sa kanya.

Subukan mong ipagtapat sa kanya na gusto mo nang mag-asawa at hingin mo ang kanyang opinyon ukol dito.

Tingnan mo ang kanyang magiging reaksiyon.

Siguro, mas mabuti kung personal mong sasabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Puwede mo rin sigurong ipasabi sa ina mo, sa mga magulang ni Sally ang layunin mo para sa kanya.

Dr. Love

AKO

ALBERTO

AYAW

BIYUDA

DEAR AL

DR. LOVE

IPINAGTAPAT

KANYA

PUWEDE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with